Advertisers

Advertisers

DTI hahabulin mga prankster online

0 223

Advertisers

NAKATAKDANG makipag-ugnayan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) Cybercrime Group upang hulihin ang tinatawag na mga “prankters” online.
Naging istilo ng mga ito ang pag-order online ng iba’t ibang food and items application gamit ang personal identity ng mga inosenteng sibilyan.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, naglabas na siya ng kautusan sa DTI’s Consumer Protection Group na tingnan at imbestigahan ang nasabing reklamo.
Target ng ahensiya na malaman at ma-trace ang lokasyon ng mga violators lalo pa’t dumami na ang bilang ng biktima ng mga prank deliveries.
Sinabi pa ni Lopez na ito na yata ang tamang panahon para ipatupad ang SIM (subscriber identification module) registration system upang mapadali ang pag-track ng mga pranksters. (Josephine Patricio)