Advertisers

Advertisers

Mike Defensor, ‘di alam ang ‘delicadeza’

0 245

Advertisers

Usap-usapan pa rin sa kabila ng session break ang inasal ni Anakpawis Party-list Cong. Mike Defensor kamakailan dahil sa pagkakasibak nito sa pwesto sa Kongreso.
Bago mag-session break ang Kamara, napagdesisyunan at napagbotohan ng mayorya sa Kamara na palitan si Defensor bilang chair ng House Committee on Public Accounts.
Sa naging botohan, ninais ng Mayorya sa Kongreso na ihalal si Probinsyano Ako partylist Rep. Jose “Bonito” Singson Jr. bilang bagong chair ng Accounts.
Galit na nagtatalak si Defensor sa mga media nang mabalitaan na siya ay pinalitan na. Tilang bata na nagpasaring pa ito kay House Speaker Lord Allan Velasco sa kabila ng pag-iintay ng mayorya na mag-resign na ito.
Sinabi ni Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na noong Oktubre pa nila hinihintay ang resignation ni Defensor lalo pa’t siya ay kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Si Defensor din ang tinuturong utak o naghimok para magkaroon ng palitan ng mga chair at deputy speakers sa kasagsagan ng gulo sa term-sharing sa Kongreso.
Matatandaan na kinailangan pa makialam ni Presidente Rodrigo Duterte sa usapin ng term-sharing bilang House Speaker sa pagitan ni Velasco at Cayetano, kung saan kalaunan ay napilitan na din bitawan ni Cayetano.
Bukod pa dito, si Defensor din ay napabalita na kinaiinisan umano ng labis ng anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Deterte.