Advertisers

Advertisers

Pulis binaril-patay habang bumibili ng ice cream

0 287

Advertisers

PATAY ang isang pulis nang pagbabarilin habang bumibili ng ice cream sa tindahan sa Ormoc City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Corporal Ruffy Pepito, 38, nakatalaga sa Silago Municipal Police Station.
Ayon sa ulat, bumibili si Pepito ng ice cream nang may dumating na itim na SUV. Isang armadong lalaking naka-camouflage ang bumaba mula sa sasakyan at pinagbabaril ang pulis at mabilis na tumakas.
Wala nang buhay si Pepito nang dumating ang mga rescuer.
Patuloy ang imbestigasyon ng Ormoc police sa krimen.