Advertisers
NASA 21,708 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa makaraang makapagtala ng 8,080 recoveries ang Department of Health (DOH) mula sa Oplan Recovery nitong Linggo, Disyembre 20.
Dahil dito, ang kabuuan ngayon ng mga gumagaling sa sakit ay pumalo na sa 429,134.
Samantala ay mayroon namang naitalang 36 na pumanaw at 1,754 bagong kaso.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (21,708) ang aktibong kaso, 93.3% (429,134) na ang gumaling, at 1.95% (8,947) ang namatay.
Batay pa rin sa case bulletin update ng DOH, nasa 163 ang naitalang kaso ngayong araw sa Quezon City, 14 sa Rizal, tig 83 kaso sa Benguet at Laguna habang 61 naman sa Bulacan.
Kaugnay pa rin sa Covid-19, nagpaalala ang DOH sa publiko na kumilos ng naayon minimum public helath standards. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)