Advertisers

Advertisers

NBI INIREREKOMENDA ANG KASONG ‘INCITING TO SEDITION AT GRAVE THREATS’ LABAN KAY VP SARA

0 47

Advertisers

INIREREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte para sa mga banta na ginawa niya laban kay Pangulong Marcos, first lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez sa online press conference noong Nobyembre ng nakaraang taon

Ito ay nagbubukas ng bagong legal na labanan para sa Bise Presidente, na maaaring kailanganin niyang harapin habang nahaharap din sa paglilitis sa impeachment sa Senado

Ayon sa bahagi ng dokumentong ipinakita ni NBI Director Jaime Santiago, natanggap ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) ang mga rekomendasyon ng bureau noong Miyerkules.



Sinabi ni Santiado na isinampa ng NBI ay inciting to sedition at grave threats kung saan ay titimbangin ng DOJ kung isampa ang parehong kaso,o isa lang, o i-dismiss ang mga ito na posibleng maging aksyon ng mga prosecutors.

Nangako ang DOJ na ito ay “uphold the rule of law” upang matiyak na ‘due procees is strictly followed’ sa pagsusuri sa rekomendasyon ng NBI

Ipinaliwanag ng NBI Chief na posibleng magsampa ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Duterte simula nang idirekta nito ang kanyang pahayag sa tatlong indibidwal.

Sa bahaging iyon, mayroong jurisprudence na isa lamang (mabibilang) sa parehong oras. Pero may jurisprudence din na,dahil tatlo ang complainant, dapat three counts. Pero hindi tayo ang magdedesisyon, nasa DOJ, kung magsasampa sila ng tatlong bilang o isa, aniya.

Samantala, tungkol naman sa rekomendasyon ng NBI na maghain ng Inciting to Sedition at Grave Threats laban kay VP Sara, sa isang pahayag umano sa kampo ni Duterte ay sinabi na walang basehan sa katunayan at sa batas.



Nakasaad sa isang statement na malinaw umano na may bahid ito ng pulitika, at bahagi pa rin ng ‘demolition job’ kay VP Sara mula sa kanyang mga political enemies upang alisin siya sa presidential race ng 2028. (JOJO SADIWA)