Advertisers
KAPURI-PURI ang pasya ng mga eskuwelahan na pag-aari ng Simbahang Catolica ng ideklara nila na holiday at sinuspinde ang klase sa ika-25 ng Pebrero (Martes) upang gunitain ang alaala ng EDSA People Power Revolution. Hindi dapat malimutan ng sambayanan ang mapayapang himagsikan na tumapos sa diktadura. Kabilang sa kanila ang UST, De La Salle University, Ateneo University, at iba pa. Mabuhay kayo!
***
KAHIT palihim na tumanggi, kailangan ituloy ni Tsis Escudero ang impeachment trial ni Misfit Sara. Wala siyang magagawa dahil nakasaad ito sa Saligang Batas. Hindi niya malalabag ang Konstitusyon para bigyan ng proteksyon si Misfit Sara at kailangan ituloy ang public pressure upang itulak si Tsis na buuin ang Senado bilang impeachment court.
Marapat maintindihan ni Tsis na ang sambayanang Filipino ay hindi si Grace Poe na maaaring niyang utuin at itulak sa bangin ng masamang kapalaran. Marapat maunawaan niya ng walang pasubali ang paalaala ni dating senador Leila de Lima na trabaho ni Tsis sa ilalim ng Saligang Batas na kagyat pulungin ang Senado bilang impeachment dahil may isinumite ang Camara de Representante na reklamo laban kay Misfit Sara.
Dapat maintindihan ni Tsis na may mandando siya sa Saligang Batas upang bigyan daan ang impeachment complaint laban sa diyosa na kanilang sinasamba – si Misfit Sara. Marapat na tapusin na niya ang proteksyon kay Misfit Sara. Hindi totoo na walang sapat na public pressure para pulungin ang Senado bilang impeachment court. Manhid lang siya sa damdamin ng bayan.
***
BAGAMAN inamin ni Rene Sarmiento, isa sa mga kasapi sa komisyon na gumawa ng Saligang Batas ng 1987, na hindi tinalakay ng komisyon ang ibig sabihin ng salitang “forthwith” sa diskusyon, iisa ang ibig sabihin ng salitang ito, aniya – “isunod agad” at “huwag magpatumpik-tumpik.” Iyon lang, aniya.
Ayon kay Sarmiento, walang hadlang, o legal impediment, sa mga senador na buuin ang sarili bilang impeachment court, Sa sandaling gawin ni Tsis ang referral ng isinumiteng impeachment complaint sa Senado, walang hadlang sa kahit sinong senador na buuin ang Senado bilang impeachment court. Kahit naka-recess ang Senado ngayon, aniya, pero maaaring mabuo ang Senado bilang impeachment court batay sa rules ng Senado sa impeachment.
Ipinaalala ni Sarmiento ang doktrina ng constitutional supremacy kung saan kailangan mangibabaw ang diwa at salita ng Saligang Batas sa ating pulitika. Marapat sundin ang salita ng Saligang Batas at hindi ang salita ni Tsis, aniya. Hindi batay sa Saligang Batas ang salita niya.
Ani Sarmiento, maaaring ipagpatuloy ng Senado bilang impeachment court ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Misfit Sara kahit sa 20th Congress sa Hulyo. Binanggit niya ang doktrina na ibinigay ng Korte Suprema sa Pimentel Jr. v. Canlas et. al. Matapos ang trabaho ng Kongreso sa paggawa ng batas sa Hunyo 13, ngunit nagpapatuloy ang Senado sa mga trabaho na hindi kaugnay sa paggawa ng batas at kasama dito ang impeachment.
Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Adolf Azcuna at Koko Pimentel na kailangan ng kagyat buuin ang Senado bilang impeachment court dahil ito ang utos ng Saligang Batas. Ayon kay Azcuna, bahagi ng “due process” na mabuo ang Senado bilang impeachment court. Kay Pimentel na hindi kailangan ang tinatawag ni Tsis na “public clamor” upang mabuo ang Senado bilang impeachment court. Iyan rin ang opinyon ni Leila de Lima sa isang panayam.
***
HINDI magpadalos-dalos ang Senado sa pagtalakay ng impeachment laban kay Misfit Sara. Pakibasa ang pahayag ng isang kongresista na kabilang sa prosecution panel ng Camara.
House prosecutor expects SC to exercise judicial restraint on VP Duterte impeachment
THE Supreme Court is unlikely to interfere with Congress in the impeachment of Vice President Sara Duterte. House Deputy Majority Leader and Iloilo Rep. Lorenz Defensor expressed this view in reaction to the filing by the Vice President of a petition questioning her House impeachment and asking the Supreme Court (SC) to stop her impending Senate trial.
“I have yet to read the petition. But as a rule, impeachment is a political question and the Supreme Court will exercise judicial restraint. It will not interfere with the impeachment process,” Defensor, a lawyer and member of the 11-man House prosecution team, said.
The House impeached the Vice President by an overwhelming vote. The complaint containing the impeachment charges against her was signed by 215 House members, more than double the 103 required for a petition to go directly to the Senate for trial.
There is growing public clamor for senators to convene themselves into an impeachment court as soon as possible for Vice President Duterte’s trial, though Senate President Francis “Chiz” Escudero has said the trial could start after the incoming 20th Congress convenes in July.
The Vice President’s petition is separate from the one with the same prayer filed by some Mindanao-based lawyers associated with her father, former President Rodrigo Roa Duterte.
While the two petitions seek to stop the Vice President’s trial, another complaint is asking the SC to compel senators to convene as an impeachment court and proceed with the trial immediately.
***
MGA PILING SALITA: “This is a clear sign that the Vice President is afraid to face the evidence against her. If she truly believes she is innocent, why is she running to the Supreme Court instead of preparing her defense before the Senate? This move reeks of desperation.” Kin. Jil Bongalon, Ako Bicol Party List