Advertisers

Advertisers

Search warrant hinain vs vlogger na nagkalat na na-ospital CIDG chief

0 16

Advertisers

Nagsagawa ng search warrant ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa isang vlogger na umano’y nagpakalat ng maling impormasyon na na-ospital si CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III.

Ayon kay Torre, ipinakalat ng vlogger na si Jun Abines ang kanyang larawan habang nasa ospital, na nagdulot ng pag-aalala at pagkabalisa sa kanyang pamilya at kaibigan.

Ibinahagi niya ang screenshot ng Facebook post ni Abines, kung saan makikita siyang nakahiga sa isang ospital na may caption na: “Sinugod daw sa ospital si Gen. Nicolas Torre?”



“Ano ang naging aksyon ko? Sumandig ako sa batas, naniniwala ako na mali man ang ginawa mo ay may karapatan kang humarap sa korte at mabigyan ng due process,” ani Torre sa isang Facebook post.

“Nag-apply ako ng search warrant para makuha ang mga phone at computer na ginamit mo sa katarantaduhang ginawa mo sa akin. Ngayon iiyak-iyak ka sa social media? At ‘yung pangtarantado mo, ang consequence ngayon sa ‘yo ay pagkuha mo ng abogado,” dagdag pa nito.

Binatikos ni Abines ang pagsalakay ng mga pulis sa kanyang bahay at pagkumpiska ng kanyang mga gadgets matapos magsampa ng kasong cyber libel si Torre at makakuha ng search warrant.