Advertisers

Advertisers

2 counts murder isinampa vs pulis na bumaril-patay sa mag-ina sa Tarlac

0 267

Advertisers

SINAMPAHAN na ng dalawang bilang ng kasong pagpatay si Police Master Seargent Jonel Nuezca dahil sa pamamaril at pagpatay sa mag-inang nakaalitan nito sa Paniqui, Tarlac nitong Linggo ng hapon.
Dahil dito, hindi na umano kailangang magsagawa pa ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang insidente.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra na matapos ang inquest proceedings, agad na nagsagawa ng preliminary investigation ang Office of the Provincial Prosecutor ng Tarlac at kinakitaan nito ng probable cause ang iniahing reklamo ng mga otoridad para sampahan ng two counts of murder si si Nuezca.
Una nang sinabi ni Guevarra na sa oras na isampa ng lokal na pulisya ang pormal na reklamo sa piskalya ay agad na itong isasalang sa preliminary investigation ng piskalya para alamin kung may probable cause sa reklamo.
Tiniyak naman ng DoJ na mahigpit na babantayan ng Justice department ang kaso laban sa pulis. (Jonah Mallari)