Advertisers
UMABOT sa 11 na pangalan ang nag-uunahan para sa ngayo’y bakanteng posisyon sa Supreme Court (SC).
Karamihan sa mga aplikante sa posisyong iniwan ni Justice Priscilla Baltazar-Padilla ay mula sa Court of Appeals (CA) habang dalawa naman ay mula sa Sandiganbayan at tig-iisa sa Office of the Court Administrator at dean ng college of law.
Ang mga aplikante mula sa CA ay sina Justices Nina Antonio-Valenzuela, Maria Filomena Singh, Ramon Cruz, Jhoseph Lopez, Eduardo Peralta, Apolinario Bruselas at Japar Dimaampao.
Mula sa Sandiganbayan ay sina PJ Amparo Cabotaje-Tang at Justice Oscar Herrera Jr.
Si Administrator Jose Midas Marquez naman ang galing sa SC.
Ang mula naman sa Academe ay si Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria.
Nagsimula naman ang Judicial and Bar Council (JBC) ng kanilang unang deliberasyon para sa mga aplikante noong nakalipas na December 17 habang ang tentative public interview para sa mga bagong applicants ay gaganapin naman sa December 28 at 29.