Advertisers

Advertisers

PCO CHIEF UMUPO NA, PBBM NAGTALAGA NG PALACE PRESS OFFICER

0 8

Advertisers

HINDI nag-aksaya ng oras ang bagong talagang liderato ng Presidential Communications Office (PCO) sa pangunguna nina Secretary Jay Ruiz at Presidential Press Officer Undersecretary Clarissa Claire Castro.

Makaraang manumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ng umaga (Pebrero 24), agad nilang tinanggap ang hamon ng kanilang tungkulin.

Ipinakilala sila sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) ni outgoing PCO Secretary Cesar Chavez.



Sa isang ambush interview, binigyang-diin ni Ruiz ang malinaw na direktiba mula sa Pangulo at ito ay iparating sa publiko ang mga programa ng gobyerno at tiyakin ang paghahatid ng wastong impormasyon sa gitna ng lumalaganap na disinformation.

Nanawagan din si Ruiz sa media na makipagtulungan sa kanilang opisina upang maihatid sa mamamayan ang tamang balita at maipaabot ang mga proyektong direktang makikinabang ang sambayanang Pilipino.

Samantala, nilinaw ni Castro na si Pangulong Marcos pa rin ang pangunahing tagapagsalita ng kanyang administrasyon.

Bilang Presidential Press Officer, siya ang magiging tagapaghatid ng mga update sa media at magpapaliwanag sa mga pahayag at kautusan ng Pangulo.

Sa ilalim ng bagong liderato, layunin ng PCO na palakasin ang komunikasyon ng gobyerno at tiyakin na ang bawat Pilipino ay may tamang impormasyon tungkol sa mga adhikain ng administrasyon. (Gilbert Perdez)