Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ni Makhoy Cubales na masaya siya sa YouTube channel niyang Everyone Can Cook. Although bago pa lang ito, naniniwala siyang marami ang mawiwili sa panonood dito.
Kuwento niya sa amin, “Nag-open na ako ng YouTube channel ko, ito yung Everyone Can Cook. Hindi ko na hinintay matapos yung pandemic… para kahit paano-instead na naka-private yung nga videos napapakinabangan ng ibang tao.
“As of now may 25 videos na, bale 25 videos per month yung plano kong ia-upload ko.”
Si Makhoy ay isang international model, singer, producer ng mga show, businessman, at pilantropo.
Originally, ang plano niya ay magkaroon ng launching ang pagiging Youtuber niya. Pero dahil sa pandemic, hindi ito natuloy.
Aniya, “Iyon sana nga Tito Nonie, tulad noong plan na sinabi ko rati na ilo-launch ko nang maayos… but since mukhang matagal pa itong pandemic, kaya in-open ko na sa public.”
Nag-aral ba siya ng culinary?
Tugon ni Makhoy, “Hindi ako nag-aral ng culinary, but ever since my love for food na talaga ako. Marami na ring akong guesting as a cook sa TV shows like sa Channel 5 and Channel 23.
“Hindi ko siguro ila-label yung sarili ko as a chef, kasi with a degree yun. Pero yung sa akin, I’m happy to be called as a cook na lang… at least I gain my knowledge sa cooking base sa mga experience, passion for cooking, and places na rin na I had been.”
Aminadong isang passionate cook at mahilig kumain, pero bakit slim na slim siya?
Esplika ni Makhoy, “Kasi kung titignan yung food vlog na in-open ko for public, nagre-reflect yung sarili ko. I’m really trying to live a healthy lifestyle, maybe yun yung reason bakit ako fit.
“’Tsaka siyempre, as a model although mahilig tayo kumain, kailangang medyo ingat pa rin tayo para maintain pa rin yung katawan.”
Nabanggit ni Makhoy na masaya siya as a Youtuber.
“Nag-e-enjoy naman tito Nonie, ilang days ko pa lang yun napa-public, and naniniwala ako na maraming matututo sa mga gustong magluto sa aking Youtube channel,” sambit pa ni Makhoy.