Advertisers

Advertisers

AFP tiniyak mananatiling tapat sa konstitusyon at chain of command

0 4

Advertisers

TINIYAK ng buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sila ay professional, tapat sa konstitusyon at sa chain of command.

Ang pahayag ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla kasunod nang naging panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Maisug rally sa Cebu nitong Sabado laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Padilla, hindi sisirain ng militar ang tiwala ng publiko.



Aniya, nakatuon ang kanilang atensyon sa kung papaanong masisiguro na magiging maayos at mapayapa ang 2025 midterm elections alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos.

Matatandaang, muli kasing kinalampag ni dating Pangulong Duterte ang AFP at PNP na umaksyon para hindi umano humantong sa diktadurya ang panunungkulan ni PBBM.