Advertisers

Advertisers

Donasyon, bawal sa alinmang Health Centers sa Maynila – Mayor Honey

0 22

Advertisers

“DONATIONS are never required when going to any of the city’s health centers. Hindi natin ‘yan papayagan. Bawal ‘yan. I-report ninyo sa amin.”

Ito ang tahasang ipinahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna sa kanyang ‘Ugnayan’ sa mga residente ng third district kung saan agad niyang inaksyunan ang reklamo ng isang.babae na hinihingan siya ng donasyon ng kawani ng isang health center matapos na magpunta siya dito para magpakunsulta.

Pinasalamatan ni Lacuna ang residente sa pagsusumbong sa kanya at hinikayat din niya ang lahat ng mga residente na may reklamo na direktang isumbong sa kanya o sa kanyang tanggapan sa City Hall.



“Ay, hindi pupuwede ‘yan. Bawal. Hindi ako papayag, walang donate-donate!” pagbibigay diin ng alkalde.

Idinagdag pa ng lady mayor na: “Malinaw ang ating tungkulin. Hindi ko po kinukunsinti para lang alam ninyo. Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay mababantayan natin sila, pero dahil po nagsabi kayo sakin, meron po tayong pruweba para sabihin ko sa kanila kung ano ang problema at kung kinakailangang palitan ang mga tao doon, gagawin natin.

Ayon sa alkalde,ang According t 44 health centers na nakakalat sa anim na distrito ng Maynila ay naririyan upang magbigay ng free primary health care services, kaya naman maging silang dalawa ni Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan ay patuloy na hinihimok ang lahat ng mga barangay authorities na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na i-avail ang nasabing serbisyo.

Ang nasabing mga serbisyo ay kinabibilangan ng clinical laboratories, ECG at ultrasound para sa mga buntis. Ito ay maliban pa sa libreng konsultasyon at mga gamot na ibinibigay ng libre tulad ng metformin, losartan at iba pa. more. May bago ring libreng serbisyo na katulad ng x-rays, ulltrasound at ECG.

Sinabi pa ni Lacuna na ‘di na kailangan pa ang online appointment system para magpakunsulta dahil bukas health centers mula 7 a.m. hanggang 6 p.m., Lune hanggang Biyernes.



Nabatid na sa kabila na ini-entertained ang mga walk-ins, ang mga nagparehistro naman sa online ay inaasikaso pa rin naman.Napag-alaman na ang dahilan ng online appointment ay para magkaroon ng advance file ng data ng isang residente para magamit sa hinaharap at para sa mas mabilis ng proseso.

Binanggit ni Lacuna na Isang propesyunal doctor ang kahalagahan ng pagbisita sa health centers at pag-avail ng mga libreng check-ups nang hindi na hinihintay pa na lumitaw ang sakit o karamdaman.

“Prevention is always better than cure. Tangkilikin ninyo ang ating mga health centers. Pabakunahan po ninyo ang inyong mga anak, apo o alaga,” giit ni Lacuna.

“‘Wag na po kayong makipagsiksikan sa ospital, kng matutugunan ng health center ang inyong problema. Sila po ang magssabi kung kailangang sa ospital kayo magpunta,” Sabi ng alkalde at idinagdag din na my mga kaso kung saan mismong ang health center ang magre-refer sa pasyente sa pinakamalapit na hospital. (ANDI GARCIA)