Advertisers
TINIYAK ng Malakanyang na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang mapabuti ang sistema ng transportasyon sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro kasunod ng ulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagsasabing kulelat o nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa ASEAN pagdating sa transport infrastructure.
Sa press briefing sa Malakanyang, iginiit ni Castro na hindi naman tumitigil ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyekto upang mapa-buti ang imprastruktura ng transportasyon sa bansa.
Bagama’t may ilang factor o salik aniya na maaaring nagiging sanhi ng pagkaantala ng ilang proyekto, tiniyak ng opisyal na ginagawa ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng makakaya upang matupad ang mga pangako nito sa taumbayan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinusulong na malalaking proyekto ng administrasyong Marcos tulad ng PUV modernization program, railway expansion, road network improvements, at iba pang inisyatibo upang mapadali ang biyahe ng mga mamamayan at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. (Gilbert Perdez)