Advertisers

Advertisers

Pagkuha ng video, pics sa krimen di iligal – IBP

0 325

Advertisers

HINDI umano labag sa batas ang pagkuha ng litrato at video sa mga nagaganap na krimen, ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Paliwanag ni IBP President Domingo Cayosa, lahat ng mamamayan ay may karapatang i-video ang mga hindi tamang pangyayari, at hindi maaring irason dito ang right to privacy.
“A crime is a public offense against the country and the whole republic so kung gawin mo ‘yan at i-video ka, wala kang privacy. Lahat ng mamamayan, mayroon silang karapatan na i-video ‘yung mga hindi tamang nangyayari sa publiko… Walang iligal doon, sabi ni Cayosa.
Samantala, sa usapin naman ng pagbabawal sa publiko ng Philippine National Police (PNP) na huwag kumuha ng video at litrato sa mga krimen, paliwanag ni Cayosa, maaring iniisip lamang ng kapulisan ang seguridad ng tao na kumukuha ng video subalit hindi pa rin sila maaring pagbawalan.
Magugunitang nag-viral ang video ng pamamaril ng isang pulis Parañaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac. (Jonah Mallari)