Advertisers

Advertisers

Klinton Start miss na ang mag-taping at perform

0 486

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO si Klinton Start na nami-miss na niya ang muling mag-taping at mag-perform sa mga show.

Ito ang ipinahayag ng kilalang PPop-Internet Hearthrobs at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton. “Oo naman po, sobra dahil nakaka-miss po makapag-taping at siyempre makapag- perform sa marami at mapasaya sila.



“Kaya nga po sana, sa lalong madaling panahon po ay matapos na itong pandemic, para makabalik na po tayo sa normal nating mga buhay,” sambit niya.

Si Klinton ay bahagi ng show na Yes Yes Show from SMAC Television Production, na pansamantalang tumigil dahil sa pandemic. Madalas din siyang humataw sa mga mall show, bago dumating ang Covid-19.

Sa ngayon, focus muna si Klinton sa kanyang pag-aaral, via online. Siya ay first year college ng kursong Marketing Management sa Trinity University of Asia.

Samantala, masaya si Klinton sa muling pagbubukas ng CN Halimuyak Pilipinas sa branch nito sa Robinsons Novaliches last Dec. 5. Last March this year ay nagsara pansamantala ang nasabing branch dahil sa pandemic na dulot ng Covid-19.

Pangunahing layunin ng CNHP ay makatulong sa consumers sa presyong abot ng masa, sa mga nangangailangan, pati na rin sa mga gustong magnegosyo. Perfect din kasing ipangregalo ang mga produkto ng CN Halimuyak ngayong Pasko.



Pahayag ni Klinton, “Siyempre po sobrang saya, dahil ilang buwan din pong nasara ang Halimuyak dahil nga po sa pandemic.

“Pero ngayon nagbabalik operasyon na po kami para po makapaghatid na mga de-kalidad na pabango, hindj lang po iyan dahil ang CN Halimuyak Pilipinas ay mayroong mga alcohol, mga disinfectant, at iba pa na maaaring gamitin laban sa Covid-19.”

Si Klinton ay isang proud endorser ng CN Halimuyak Pilipinas na pinamumunuan ng mabait at masipag na CEO nitong si Ms. Nilda Tuason.

Lahad ni Klinton, “Sobrang effective po ng CN Halimuyak lalo na sa panahon ngayon, dahil alam naman natin na hanggang ngayon po wala pa ring gamot para sa Covid. Kaya po nakakatulong nang sobra ang mga product from CN Halimuyak Pilipinas, dahil po tinutulungan po kaming maging mas malinis at higit po sa lahat, safe at malayo po sa mga virus na tulad ng Covid-19, na kumakalat ngayon.

“Bukod po sa effective ang CN Halimuyak Pilipinas, nakiisa rin ito sa pangunguna ng aming CEO po para makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa frontliners. Kaya nakaka-proud po talaga.”

Sina Kikay Mikay ay kabilang din sa endorsers ng CN Halimuyak Pilipinas.