Advertisers

Advertisers

DOH: Dengue case unti-unti nang bumababa

0 8

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na patuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng dengue sa bansa.

Ayon sa DOH, nasa 14,460 ang naitalang mga tinamaan ng dengue mula January 26 hanggang nitong February 8 na mas mababa kumpara sa sinundang linggo na January 15 hanggang January 25 na may 15,550 na kaso.

Nasa kabuuang 52,008 naman ang kaso ng dengue sa bansa mula nang pumasok ang taon hanggang nitong February 22.



Mas mataas pa rin yan ng 64 percent kumpara noong 2024.

Sa kabila niyan, mas kaunti ang bilang ng mga nasawi ngayon sa sakit.

Ayon sa kagawaran, epekto raw ito ng maagang pagpapatingin at mabilis na pagresponde sa pangangailangan ng mga pasyente upang hindi na lumala pa ang kaso.

Nasa edad 14 pababa ang mahigit kalahati ng mga tinamaan ng dengue ngayong taon.

Patuloy naman na hinihikayat ng DOH ang publiko na magsuot ng mga damit na may mahahabang manggas at pantalon, gumamit ng insect repellants, matulog sa loob ng kulambo at umiwas sa mga lugar na maraming lamok.