Advertisers

Advertisers

KASO VS NUEZCA TATAPUSIN SA LOOB NG 30 DAYS!

0 283

Advertisers

TARGET ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na maresolba sa loob ng 30 araw ang kaso ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, ang pulis na bumaril patay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo, Disyembre 20.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, mamadaliin nila na matapos ang kaso dahil lugi at sobrang agrabyado na ang pa-milya ng mga biktima.
Maliban dito, masasabi rin aniyang lugi ang pamahalaan dahil tuloy-tuloy parin ang sahod ni Nuezca hangga’t hindi ito nahahatulan.
Aniya, oras na mahatulan ng ‘guilty’ si Nuezca, madidis-kuwalipika na ito sa anumang public service at mawawala lahat ng natatanggap na benepisyo maliban sa natitirang ‘leave conversion’.
Tiniyak ni Triambulo na personal niyang tinututukan ang kaso.
Bukod sa kasong administratibo, nahaharap rin si Nuezca sa 2 counts murder sa pagpatay sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Anak ni Nuezca
isasailalim sa counseling
ISASAILALIM sa counseling ang anak na babae ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezcal, ang bumaril-patay sa nakasagutang mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo, Disyembre 20.
Ayon kay Paniqui Municipal Police Station chief, Lt. Col. Noriel Rombaoa, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil dito.
Ani Rombaoa, awtomatikong nagsasagawa ang DSWD ng counseling sa mga batang nakakasaksi ng krimen o pagpatay.
Dagdag ni Rombaoa, bukod sa anak na babae ni Nuezca, isasailalim din sa counselling ang mga batang kaanak ng biktimang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.
Batay sa kumalat na video ng insidente, makikita ang anak ni Nuezca na kumukuha rin ng video habang nakikipagtalo ang kanyang ama sa mag-inang biktima.