Advertisers

Advertisers

Pulis na pumatay sa mag-ina sa Tarlac demoted

0 333

Advertisers

IBINABA ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ranggo ng pulis na namaril-patay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac noong December 20.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, na-demote si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca dahil sa ‘grave misconduct’ complaint na inihain noong 2014.
Sinabi ni NAPOLCOM Legal Affairs Service Acting Chief, Atty. Chito Noel Bustonera, ang reklamo ay may kaugnayan sa kinakaharap niyang ‘extortion’ case kungsaan kinikilan niya ang isang tricycle driver at pasahero nito habang nakatalaga pa siya noon sa Tactical Motorcycle Unit sa Taguig noong 2014.
Si Nuezca ay kasalukuyang nakatalaga sa Parañaque Police Crime Laboratory pero nasa Paniqui, Tarlac ang kanyang pamilya.
Sa ngayon, 2 counts ng murder ang isinampa laban kay Nuezca sa Regional Trial Court Branch 67 sa Paniqui.
Samantala, kinumpirma ni Paniqui Municipal Police Station Chief, Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa na nagnegatibo sa paggamit ng iligal na droga si Nuezca.