Advertisers

Advertisers

Hamon ni Duterte tinanggap ni Zarate: Handa makipagpulong one-on-one

0 258

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na makipag-usap kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Zarate kung para sa ikabubuti ng taumbayan ay handa naman umano siya na harapin ang punong ehekutibo.
Kasunod ito ng hamon ng Pangulo sa kinatawan na sila ay magharap.
Sa talk to the nation ng Pangulo nitong Lunes, sinabi nito na ginagamit umano ni Zarate ang pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng anak nito sa Europe.
Hindi itinanggi ni Zarate na nag-aral nga ang kanyang nag-iisang anak na si Xandro sa Poland noong September 2017 at kumuha ng kursong Philosophy sa Pope John Pall II University.
2019 naman aniya nang bumalik ito ng bansa upang tapusin ang bachelor’s degree sa isang paaralan dito sa Pilipinas na hindi na binanggit pa ni Zarate.
Diin nito na ang gastos sa pag-aaral ng kaniyang anak kasama ang matrikula nito ay pinagtulungan ng kaniyang mga kaanak na nasa ibang bansa gayundin ang kaniyang asawa na isang abogada ang nagtaguyod sa pag-aaral ng anak. (Henry Padilla)