Advertisers

Advertisers

QUIBOLOY PARA SA MAHIRAP AT PINAHIHIRAPAN

0 3

Advertisers

NAIBA man ang script ng kanyang buhay,isa lang ang katiyakan, magkakaroon ang mga Pilipino ng mambabatas na gustong iahon ang mga mahirap. gayundin mula sa oppressed sector o inapi ng nasa poder ng kapangyarihan.

‘It is written and it must be done’!

Tunay na noble ang papel na ginagampanan ni Pastor Apollo Quiboloy sa ating bayan, di lamang sa pagiging religious leader kundi sa buong sambayanan ng ating bansa



Kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat na kakailanganin ng isang mortal, magmula sa material na bagay hanggang spiritual.

Ito ay hindi fiction lamang dahil patunay ito ito ng kanyang itinatag na isang pamayanang naging kaharian at modelo ng mahusay at makataong hari at kanyang tagasunod na naging isang pangarap maging ng lahat ng samahan o sekta na lumago na nang husto sa pagdaan ng panahon

Patuloy ang progresibo at sistematikong pamumuhay ng pinamumunuan niyang KOJC (Kingdom of Jesus Christ) kung saan ay naging mistulang bansa ito sa loob ng isang bansa

Ang multitude o flock ng KOJC ay lumawak pa hanggang sa ibang bansa kung kaya kumbaga sa punongkahoy ay naging hitik ito sa bunga at nagsimula nang batuhin ito ng mga masasama ang budhi na walang alam kundi mang-omit ng hindi kanila nang sinaniban ng ugaling inggit at ganid ng mga walang kuntento sa buhay.

Isang pagsubok ang dumaan sa buhay ni Quiboloy, naranasan niyang hilahin siya pababa at sikilin ng mga masasamang elemento sa lupa ng tinulungan pa niya noong mailagay sa pedestal



Pinahirapan ang buhay ng isang taong kapita-pitagan ang pagkatao na nagbigay ng hanapbuhay at magandang buhay sa mga tao at ng pagiging lider-spiritual

Pilit ginigiba ng mga engrato ang kanyang kaharian pati pag-interesan ang yamang ipinundar laan para sa kanyang nasasakupan at ngayon nga ay ninanakaw na ang kanyang kalayaan.

Pero sadyang di nagpapatinag ang isang sugo, ililigtas niya ang bayan sa kumunoy ng opresyon at tiwali upang maging instrumental siya katuwang ang mga nilalang na magiging mesiyas din mula sa mga timawang hestas, barabas sa Pilipinas.

Pero dahil sa kanilang maitim na kagagawan, si Pastor Quiboloy ay magiging Senador nating mamamayan…

ABANGAN!

Lowcut: Special shoutout kay tsokaran SG Vhergel Divina ng Mc Donalds Libertad sa Pasay.