Advertisers
Ni Archie Liao
TALK of the town ngayon ang naging emote ng komedyanteng si Rey Kilay.
Sa kanya kasing FB post, ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan sa engkuwentro niya sa beauty queen na si MJ Lastimosa na diumano’y inisnab siya sa isang event sa Las Vegas.
Hirit niya:”Yung MJ Lastimosa nakita dito sa mall sa Las Vegas nag Hi! ako tapos tiningnan lang ako (no response) sad…”
Game namang sinagot ni MJ ang nasabing hanash ni Rey at pinabulaanang dinedma niya ang komedyante.
Tugon niya:”Kaloka ka ante. Lumingon ako nag smile. I said hello of course malayo kami ng friend ko you probably did not hear. Next time gusto mo ba ng beso beso at mahabang chikahan? Pag pasensyahan mo na ang mare mong jetlag pigang piga na tong energy ko. Next time tumbling talaga ako papunta sayo. ”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa netizens ang nasabing palitan ng mensahe nina MJ at Rey sa social media.
Hirit ng kibitzers, sinopla raw ng beauty queen ang komedyante.
Ito naman ang iba’t ibang komento ng mga katekatera.
“Entitled si betla dapat ba chikahin ka pa ni MJ?”
“Parang may gusto maging relevant. Sana naman hindi to publicity stunt coming from both ha. Wag ganun. Nakakacringe.”
“Ang mga ganyan na pangyayari let’s say totoo di na need i post yan. Remove the person in your life and move on! No need for drama ang arte”
“Lavanan ng Mga Accla. Di papakavogue si MJ noh!”
“Spirit animal ko talaga itong si MJ”
“Patola si ate and I labettt!!!”
“It’s about damn time. Just cause a public figure didn’t smile or greet you back doesn’t mean they are not nice. Mga tao din sila, may mga bad days sila or even bad moods. Can we please stop making public figures as perfect as they are? Sobrang BS ng mga kwento “ay si celebrity hindi naman nag smile nung binati ko. Pero if nag smile sobrang bait. Di niyo lang alam baka fake din yung smile nila ??”
“As if naman required siya to say hi. Kase naman if wala sila sa public event just let them be normal private citizen.”
“hahaha gusto ko talaga vibes ni MJ”
“May times talaga na kailangan pumatol e and this is one of those moments hahahaha”
“Napaisip ako dun sa tatumbling. Parang “Bakit malungkot ang beshy ko? ???????” vibes. HAHAHA”