Advertisers
NAKATAKDA na namang sumabak sa ibayong- dagat ang young tennis sensation ,Cavite gem na si Sandra Bautista ngayong buwan ng Marso.
Ang kinse-anyos na pride ng Saint Francis of Assisi College sa Bacoor na si Bautista ay tutulak patungong Estados Unidos upang sumabak sa Level 5 Open- 109th Annual Dudley Cup Sta Monica (Singles) sa Sta.Monica High School – 600 Olympic Boulevard sa Sta.Monica , California sa Marso 22 at 23.
Kasunod ang Level 6 TMX Burbank Open na papalo sa Burbank High School sa 902 Burbank , CA.sa Marso 29-30,2025.
Ang batang Bautista, anak ni Games and Amusement Board ( GAB) Commissioner Angel Bautista na isa ring premyadong tennis player noong kanyang prime sa National Collegiate Athletic Association ( NCAA) bilang varsity player ng Mapua University,ay optimistikong aangat pa ang level ng kanyang talento upang makapaghandog ng karangalan sa bansa sa hinaharap.
Si Sandra Bautista na tinagurian ding ‘future of Philippine tennis ay matagumpay na na naidepensa ang titulo sa Tennis Girls Secondary ng Regional Athletic Association Meet( RAAM)2025 para sa kanyang momentous back- to -back peat upang maging pambatong atleta muli ng Rehiyon( CALABARZON) para sa nalalapit na Palarong Pambansa ngayong summer sa Làoag City , Ilocos Norte.
“ Sanay na siya( Sandra ) sa mga kumpetisyon sa abroad kaya tiwala ako na she will deliver”,optimistikong pahayag ni Comm. Bautista. (Danny Simon)