Advertisers

Advertisers

2 anak na menor de edad kinatay ni Daddy

0 1,741

Advertisers

Sumuko ang 29-anyos na ama nang mapatay ang dalawa niyang anak sa Taguig City.
Kinilala ang salarin na si Aiko Siacunco, residente ng North Signal at walang trabaho.
Sa ulat, unang nagpakamatay ang asawa ni Aiko nitong Huwebes.
Ayon sa ulat, gulong-gulo si Siacunco kung paano bubuhayin ang kanilang dalawang anak na tatlo at isang-taong gulang pa lamang, nagawa niyang ibigti ang mga ito.
Matapos magawa ang krimen, nagtangka ring magpakamatay si Siacunco pero nakaligtas ito.
Ayon sa ulat, madalas mag-away ang mag-asawa dahil walang trabaho si Siacunco at tanging asawa lamang nito, na isang call center agent, ang bumubuhay sa kanila noon.
Mahaharap si Siacunco sa kasong parricide.(Gaynor Bonilla)