Advertisers
Patay ang dalawang katao sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Borongan City nitong Huwebes ng gabi sa Borongan City, Eastern Samar.
Kinilala ang mga nasawi nag sina Police Staff Sgt. Luis Philip Azura Jr.; at ang bata na si John Rick Larioma.
Angkas si John Rick ng motorsiklong minamaneho ng ama niyang si Jonathan, kasama rin ang inang si Erica Gamayao, nang mabangga ang motor na lulan si Azura sa may Barangay Alang-alang, 8:40 ng gabi.
Patuloy na nagpapagaling sa ospital sina Jonathan at Gamayao.