Advertisers

Advertisers

UN agency iniimbestigahan ang masamang epekto ng marine fuel na “VLSFO”

0 391

Advertisers

Nagsasagawa ngayon ng masusing pag-i-imbestiga ang Office of the United Nation High Commisioner for Human Rights (UN-OHCHR) tungkol sa posibleng masamang epekto sa kalusugan ng mga taong naninirahan malapit sa mga baybayin dagat at sa kapaligiran tungkol sa ginagamit na marine fuel ng mga merchant vessels sa buong mundo na Very Low Sulphur Fuel Oil (VLSFO).

Ayon sa press statement galing ng OHCHR kasama rin sa kanilang imbestigasyon ay ang posibleng paglabag umano sa karapatang pantao ng mga crew o seafarers na direktang nakakalanghap ng nabanggit na substances ng fuel oil.

Dagdag pa ng nasabing ahensya na balak narin nilang isabay sa kanilang ginagawang imbestigasyon ang tungkol sa nangyaring oil spill sa mga karagatan sakop ng bansang Mauritius at Solomon islands na kinasangkotan ng magkahiwalay na aksidente ng pagsadsad ng dalawang barko nitong mga nakaraang buwan ngayon taon.



Bago nito nagsagawa narin ng pagsangguni ang naturang UN agency sa mga opisyal ng International Maritime Organization (IMO) tungkol sa pag-gamit ng VLSFO ng mga marine vessels at ang dalang epekto nito sa mga crew nito at itinuturing na violation on human rights umano ang exposure ng tao sa mga harmful substances ng walang pahintulot ng UN-OHCHR.

Tinawag naman bilang “Frankenstein o Deadly Fuel Oil” ang VLSFO ng mga international pro-environmentalist group dahil sa natuklasan umano nilang dami ng mga dipa tukoy na mga toxic substances na sangkap ng nasabing langis.

Hinirang naman ng ahensya si Dr. Marcos Orellana, dating law professor sa George Washington University School of Law at dati narin kilalang bihasa sa mga high profile environmental justice cases na kanilang Special Rapporteur na mag-i-imbestiga sa isyu.

Mayroon lamang hanggang January 2021 si Dr.Orellana, para magpadala ng kanyang investigation report sa UN-OHCHR .

Kasalukuyan naman ngayon nasa seventy percent (70%) ang mga barko sa buong mundo na gumagamit ng pinaghihinalaang mapanganib na nabanggit na langis. (Jose”Koi” Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">