Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI keribels ni Derrick Monasterio ang mag-frontal nudity o magpakita ng “talong” sa harap ng camera para sa isang pelikula.
Hanggang pagpapasilip lang ng “bukol” ang kaya niyang gawin, tulad ng mga underwear photoshoot.
Ito ang sinabi ng aktor sa nakaraang episode ng Fast Talk with Boy Abunda nang napag-usapan ang tungkol sa pagpapakita ng private parts ng male stars sa mga ginagawa nilang acting projects.
Nakasabay ni Derrick sa panayam ng Fast Talk with Boy Abunda ang kapwa Kapuso hunk na si Royce Cabrera na minsan nang nagpakita ng talong sa isa niyang indie film na naging entry sa Cinemalaya.
Sabi ni Royce, “May nagawa na kasi po akong film before. Kasama ko dito sina Kokoy (De Santos) si Direk Ricky Davao, ’yung sa movie sa Cinemalaya. Nagawa namin du’n.”
Kahit daw nagpakita siya ng kanyang pagkalalaki sa naturang movie, wala raw siyang pinagsisihan dahil doon daw siya nagsimulang makilala at maganda naman ang kinalabasan ng pelikula.
Nang tanungin naman si Derrick kung kaya ba niya ang ginawa ni Royce, “Feeling ko, ‘di ko kaya. Parang sobrang revealing, e. Parang for me ‘yung mga ganu’ng bagay para sa mapapangasawa mo lang.”
Inamin din ni Derrick na may pagkakataon na pakiramdam niya ay nao-objectify ang kanyang katawan lalo na nang tanggapin niya ang pagiging endorser ng isang underwear brand.
“Pero iniisip ko na lang na wala namang alam ‘yong mga taong ‘yon sa buhay ko, and ano ‘yong mga napagdaanan ko, and ano ‘yong napag-aralan ko,” aniya pa.
***
NAGING emosyonal si Candy Pangilinan sa isa niyang interview nang mapag-usapan ang pagiging nanay.
Natanong kasi ang komedyana kung ano ang kinatatakutan niya bilang nanay ni Quentin, “Ang kinatatakutan ko, yung mamatay na po.
“Kasi kapag namatay ako, hindi ko alam kung kakayanin niyang mag-isa, at this point. So, hindi ako puwedeng mamatay ngayon o bukas kaagad,” sabi ni Candy.
Dagdag pa niya, “Siguro kailangan pa ako humaba-haba nang konti pa yung buhay ko. Yun ang dasal ko, saka magtrabaho at mag-ipon para sa anak ko.
“Yung maka-establish ako ng something for him that will sustain him kapag nawala ako.
“Yun ang kinatatakutan ko dahil yung mga batang katulad nila, dahil hindi sila independently functional, madali rin silang utuin, kausapin.
“Lahat ibibigay nila because they have such innocent hearts and, you know, they just want friends. Parati nga silang ganoon, gusto nila ng kaibigan. So, yun lang ang takot ko,”
Si Quentin ay na-diagnose ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) and Autism, na 21 years old na ngayon.