Advertisers

Advertisers

Squad ng NPA, napulbos sa smart-bomb ng FA-50 fighter jets

0 477

Advertisers

Patay lahat ang isang squad ng komunistang New People’s Army (NPA) matapos tamaan ng GPS-guided smart bomb na ibinagsak ng FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force nitong Biyernes kasabay ng araw ng Pasko.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, kumander ng 6th Army Division ng Joint-Task Force Central, isinumbong sa kanila ng mga residente at barangay official ang presensya ng NPA Far South Regional Committee sa lugar isang araw bago ang nakatakdang ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines sa araw na ito, Disyembre 26.
Kaagad namang hinalughog ng mga sundalo ang lugar kasunod ng airstrike at dito nadiskubre ang kampo ng NPA sa Sitio Kalumutan sa boundary ng mga bayan ng Palimbang, Lebak, Kalamansig, at bahagi ng Senator Ninoy Aquino.
Natagpuan ng mga sundalo sa binombang lugar ang tatlong napatay na mga rebelde, 100 na mga bandolier bag, mga sangkap sa paggawa ng pampasabog, laptop, mga generator, nasirang mga baril, at mga dokumento.
Ayon kay Uy, ito ang pinakaunang pagkakataon na nakubkob ng mga puwersa ng pamahalaan ang base camp ng Far South Regional Committee makaraan ang ilang taong operasyon sa Daguma Range.