Advertisers

Advertisers

LEYCO NG PLM, MANTSA SA PERPEKTONG SISTEMA NI ISKO

0 460

Advertisers

ANG nangyaring kapalpakan sa distribusyon ng P1,000 monthly allowance ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay isang bukod tanging insidente na nagsilbing mantsa sa perpekto na sanang sistema na ipinatutupad ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila partikular sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga residente sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno ay sabay-sabay na ginagawa sa lungsod ang pamimigay ng mga benepisyo pero walang kapalpakan na nangyayari.

Si Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at lahat ng mga city officials hanggang sa pinakamababa ay ginagawa ang lahat ng posibleng paraan upang maging magaan ang buhay ng mga Manileño sa panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa kanila na mayroon silang gobyerno na nakaalalay at nakasuporta sa kanila at hindi kailanman bibitaw.



Matatandaan na si Moreno ay nag-utos ng sabayang pamamahagi ng lahat ng city-sponsored allowances para sa mga senior citizens, persons with disabilities, K-12, solo parents at estudyante sa PLM at Universidad de Manila (UdM), sa intensyong magkaroon ng magagastos sa Kapaskuhan para sa kanilang sarili, magulang at pamilya.

Sinabi rin ng alkalde na gusto nyang maramdaman ng mga Manileño na magiging maganda na ang mga susunod na araw at mayroong pamahalaang lungsod nakaalalay sa kanila.

Ang sabayang distribusyon ng mga nasabing allowance ay mabilis, maayos epektibong naisagawa ng mga kinauukulang departamento, kawanihan at tanggapan. Kabilang sa mga direktang may kaugnayan ay ang mga tanggapan ng Office of Senior Citizens’Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Marjun Isidro, social welfare department sa ilalim ni Re Fugoso, Manila Traffic and Parking Bureau sa ilalim ng hepe nitong si chief Dennis Viaje at ang dalawang city-run universities — PLM at UdM.

Labis na ikinalungkot ni Moreno na habang sabay na namamahagi ng tulong pinansyal ang mga tanggapang ito sa panahon ng pandemya, ay ngayon lang nagkaroon ng kapalpakan tulad ng nangyari sa PLM sa ilalim ng pangulo nitong si Emmanuel Leyco.

Ang alkalde, sa kanyang live, public address ay natutuwang pinasalamatan at pinuri si UDM president Malou Tyquia at ang kanyang mga staff sa maayos at mabilis na pamamahagi ng financial assistance para sa mga estudyante ng UDM. Pero ang katuwaan ng alkalde ay agad ding napalitan ng lungkot at sinamantala ang pagkakataong iyon upang humingi ng despensa o paumanhin sa nangyaring kaguluhan sa pamamahagi ng financial assitance ng mga estudyante ng PLM sa ilalim ni Leyco.



Paulit-ulit ang ginawang paghingi ng paumanhin ni Moreno sa mga estudyante ng PLM at kanilang magulang at tiniyak na nabasa niya ang lahat posts at complaints sa social media. Ang naganap na kapalpakan ay maliwanag na wala na sa kamay ng alkalde dahil naitoka na niya kina Tyquia at Leyco ang pamamahagi ng P1,000 monthly allowance at nasa kamay na ng mga ito ang paggawang sistemang titiyak sa maayos distribusyon nito.

Kung nagawang maayos ni Tyquia ang pamamahagi ng allowance sa UdM, bakit hindi ito nagawa ni Leyco? Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng
public apology si Leyco sa naganap na kaguluhan sa PLM.

Nang maging magulo na ang sitwasyon sa PLM ay nakarating ito sa alkalde na mabilis na kumilos upang utusan si city treasurer Jasmin Talegon na panatilihin ang city cashiers at tapusin ang pagpoproseso ng mga estudyanteng ginabi na sa mahabang pila dahil sa na sa palpak na sistema.

Napag-alaman sa isang source na hindi na nagpabanggit ng pangalan na hindi umano ma-access ‘ýung CRS (computerized registration system). Kung ma-access man, di rin maka-upload ng docs kasi nagka-crash. Nabatid pa na ang mga estudyante ay sumusunod lang sa schedule nila kung anong araw pupunta base sa surname. Halimbawa, a b c surnames Wednesday, ‘yung ibang letra ibang araw din, pero ‘di ito natatapos isang araw at at pinababalik kinabukasan na siya namang schedule ng ibang letter surname kaya humahaba pila at yung pumila nakaraang araw ay pipila kaya inaabot na ng mahigit limang bago makakuha ng allowance.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi maiiwasang magtanong kung ang itinalaga bang opisyal na mamamahala dito ay karapat-dapat sa kanyang puwesto.

Sa kaso ni Leyco at lahat ng mga nakaupong pangulo ng pamantasan, ang basic qualifications na kailangan ay dapat mayroon kang doctorate degree (Ph.D.) or Ed.D. (Doctor of Education) at mga kinakailangang administrative at academic na karanasan bilang dean, vice president chancellor ng isang university. Sakaling isa man sa nabanggit na kwalipikasyon ay hindi tinataglay na kasalukuyang pangulo, dapat ay magbitiw na ito at ibigay ang puwesto sa mas karapat-dapat. (ANDI GARCIA)