Advertisers

Advertisers

NUEVA ECIJA MASSACRE: 3 MIEMBRO NG PAMILYA PATAY!

0 145

Advertisers

NASAWI ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang pasukin ang kanilang tindahan ng mga armadong kalalakihan at pagbabarilin sa San Leonardo, Nueva Ecija, Miyerkules ng hapon, Marso 26..

Kinilala ang mga nasawi na sina Aurora Geronimo, 52 anyos, businesswoman; asawa nito si Don Rey, 55, businessman; at anak na si Demarcus Ezra, 10, mga residente ng Barangay Mallorca, San Leonardo.

Sa report, 1:00 ng hapon nang pasukin ng apat na lalaki ang tahanan ng mag-asawang negosyante.



Ayon kay Major Domingo Resma Jr., hepe ng pulisya ng San Leonardo, 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Purok 5, Barangay Mallorca.

Nabatid na dumating ang mga salarin na pawang nakasuot ng itim na jacket, puting t-shirt at puting chekered jacket sakay ng mga motorsiklong kulay itim na Honda TMX at itim na Kawasaki Baja na walang plaka, at pinasok ang tindahan ng pa-milya.

Agad na pinagbabaril ng mga lalaki ang mga biktima sa loob ng tindahan, na ikinasawi noon din sanhi ng mga tama ng bala sa kanilang mga ulo.

Bago tumakas ang mga sa-larin, kinuha ang bag at cellphone ni Aurora, at dumiretso sa Brgy. Bonifacio, San Leonardo.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng bala ng kalibre .45 at 3 basyo.



Nadakip sa hot pursuit operation ang dalawa sa apat na reponsable sa massacre.

Kinilala ang mga naaresto na magkapatid na sina alyas Jologs at Joey Marcelo, 38.

Sa report, 10:00 ng gabi nang madakip sa Sitio Riles sa nabangit na barangay ang magkapatid na salarin.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, matagal na utang ng mga sa-larin ang dahilan ng pamamaril.

Nabatid na una nang nagbayad ng bahay at lupa, ang mga salarin, matapos lumaki ng husto ang kanilang utang dahil sa interest nang malugi sa pag-aalaga ng itik.

Nakumpiska sa mga salarin ang isang kalibre .45, mga bala at isang granada.

Nasa kustodiya ng pulisya sina Jologs at Joey at sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong murder, illegal possession of explosives at Ominibus Election Code.

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa 2 pang nakatakas na mga salarin.(M. Obleada/T. Arcenal)