Advertisers

Advertisers

SA PANAHON NG KALAMIDAD, TULONG NG PAMILYA KO PARTYLIST, KINILALA NG RIZALENYO!

0 15

Advertisers

Wala pa sa bukabolaryo ng ‘Pamilya Ko Partylist’ ang politika ay tumutulong na ito sa mga mamamayan ng Tanay Rizal.

Ito ang sinabi ni Pamilya Ko Rizal chapter head coordinator Rowena Dala, kasabay ng house to house nina Atty. Anel Diaz ng ‘Pamilya Ko Partylist’ sa Brgy. Sampaloc.

Kasama ang team -1 Tanay sa pangunguna ni Mayoralty Candidate Engr. Carlos Inofre.



Dagdag ni Dala, sa lalawigan ang unang orientation ng ‘Pamilya Ko Partylist’ foundation.

Noon pa anya ay tumutulong na ito at s’ya na miyembro ng LOVABLES ay naniniwala na mas malaki ang maitutulong ng PKP kumpara sa ibang Partylist.

Ayon naman kay Mayoralty Candidate Engr. Inofre, nagustuhan n’ya ang PKP dahil maganda ang adbokasiya nito lalo naeumano kung magkaroon ito ng kinatawan sa kongreso.

Tinuran pa ni Atty. Diaz, pansin nito sa kanilang pag-iikot, pangunahing problema ang kalusugan, gamut at programang panghanapbuhay.

Ani Atty. Diaz, sakaling s’ya ay palarin sa eleksyon sisikapin nito na mapondohan ng National ang benepisyo sa Solo parents.



Di umano tulad ngayon na pinagkakasya nalang ng mga ito kung ano ang kayang ibigay ng lokal na pamahalaan.