Advertisers

Advertisers

Basilan jailbreak: 5 preso nakapuga

0 19

Advertisers

Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang limang Persons Deprived of Liberty matapos tumakas mula sa Basilan Provincial Jail sa Barangay Sumagdang, Isabela City, Basilan.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Amar Mohammad ng Al-Barka, Teddi Boga-Baguindan, taga-Tipo-Tipo, Ibrahim Badju at Muad Ahmad ng Mohammad Ajul, at Mahad Hassan ng Sumisip.

Ayon kay Provincial jail guard Baser Halilulla, dalawang katao noong Linggo ang nagpanggap na mga bisita sa isa sa mga PDL.



Pagkapasok ng mga suspek, agad na tinutukan ng baril ang jail guard saka binuksan ang kulungan at mabilis na nagsitakas.

Ayon kay Basilan police chief Police Col. Cerrazid Umabong Basilan, inatasan na ang lahat ng units sa Basilan na magsagawa ng checkpoints para sa agarang pagdakip sa mga nakatakas.