Advertisers

Advertisers

Tony Yang sumusuka ng dugo sa kulungan

0 11

Advertisers

Dinala sa ospital ang businessman na si Tony Yang, kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang, matapos magsuka ng dugo nitong Lunes, Marso 31.

Ibinalik si Yang sa detention facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City.

“Mayroon dugo,” sinabi ni Yang nang tanungin kung nagsusuka pa rin siya ng dugo.



Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, may chronic obstructive pulmonary disease si Yang.

“He will return for further lab tests as required by his doctors. But we will coordinate with the Bureau of Immigration (BI) first since we only have physical custody while they retain the legal custody,” ani Casio.

Dagdag pa ni Casio, hindi maaaring ipa-deport ng pamahalaan ang illegal aliens na may mga kaso sa bansa.

“Tony Yang is facing criminal charges filed by the NBI in Cagayan de Oro,” anang opisyal.

Si Yang, na kilala bilang si Yang Jian Xin at Antonio Lim, inamin sa Senate committee na siya ay isang Chinese at ipinanganak sa China.



Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 na reklamo para sa falsification of public documents, perjury, at paglabag sa Anti-Alias Law laban sa kanya.

Inaresto ng PAOCC at BI si Yang sa tulong ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines, sa Maynila noong Setyembre 2024.

Sinabi ng BI na pineke ni Yang ang impormasyon niya sa Securities and Exchange Commission (SEC) certification ng Phil Sanjia Corporation, isang kompanya na pagmamay-ari niya.

Bigo rin umano itong mag-remit ng contribution ng mga empleyadong Pinoy sa Sanjia Steel na layon para sa Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-Ibig.