Advertisers

Advertisers

Nuezca pinatatawad ng mga kamag-anak ng pinaslang na mag-ina

0 1,257

Advertisers

HANDANG magpatawad ang mga kamag-anak ng mag-ina na pinaslang ng pulis sa Paniqui, Tarlac, ngunit patuloy parin sila maghahabol ng hustisya para sa mga biktima.
Daan-daang tao ang sumama sa prusisyon na isinagawa para sa mga biktima na sina Sonya Gregorio, 52-anyos; at anak na si Frank Anthony, 25,na pinaslang ng kanilang kapit-bahay na si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca dahil lamang sa alitan na nagsimula sa “boga”.
Sinabi ni Belen San Jose, kamag-anak ng mga biktima, na bagama’t pinatatawad na nila si Nuezca ay kailangan parin nitong managot sa batas at sa mata ng Diyos.
Hinatid na ang mag-ina sa huli nilang hantungan sa Paniqui Garden of Angels Memorial Park nitong Linggo.
Ginawa ang libing isang linggo matapos ang brutal na pagpatay ng pulis sa mga walang kalaban-labanng biktima.
Naniniwala si San Jose na hindi lahat ng mga kawani ng Philippine National Police ay katulad ni Nuezca.
Nagpasalamat naman si Col. Narciso Domingo, deputy regional director ng Central Luzon Police, sa kaanak ng mga biktima sa pag-intindi na hindi gawain ng buong PNP ang nangyari.