Advertisers
TODAS ang isang lalaki na umano’y miyembro ng gun for hire group nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Sitio Magdangal, Barangay Kamias, San Miguel, Bulacan.
Kinilala ang napatay na si Romar D. Lising, 45-anyos, residente sa nabangit na Sitio.
Sa report, 1:55 ng hapon nang pumalag sa buy bust ang suspek dahilan para mapatay ito ng mga operatiba.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang caliber 38 na baril at mga bala.
Si Romar ay kabilang sa mga suspek na nang hold-up at nakapatay sa pastor na negosyante na natangayan ng P3 milyon sa siyudad ng Malolos nito lamang Agosto 2020.
Nabatid na ang grupo rin ni Romar ang sangkot sa robbery hold-up at gun for hire sa lalawigan ng Bulacan at karatig probinsya.
(Thony D. Arcenal)