Advertisers

Advertisers

P-Duterte pinuri ni Sen. Go sa paglagda ng 2021 national budget

0 406

Advertisers

PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2021 National Budget ngayong December 28.

Bukod dito, pinasalamatan din ni Go ang mga kapwa mambabatas sa Kamara at Senado dahil sa pagsusumite ng proposed budget nang napapanahon.

Ayon kay Go, napapanahon ang paglagda ng Pangulo sa GAA lalo na sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic at sa epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya ng bansa.



“I laud the President for signing the 2021 national budget today. I also thank my colleagues in both houses of Congress for having submitted the proposed budget on time. The signing is timely as we continue to deal with the pandemic and all its impacts on our people and economy,” wika ni Go.

Binigyang-diin ng senador na tiwala siyang ang pondo sa 2021 ay sapat at angkop para malampasan ang krisis na kinakaharap ng bansa.

Dahil din dito aniya maipagpapatuloy ang mga programa at proyekto ng Duterte administration para matupad ang pangakong mas maginhawang buhay para sa lahat ng mga Pilipino.

“Tiwala ako na ang budget na ito ay sapat at angkop upang tuluyan nating malagpasan ang krisis na ating kasalukuyang kinakaharap. Maipagpapatuloy din natin ang mga programa at proyekto ng Administrasyong Duterte upang tuluyang maisakatuparan ang pangakong maginhawang buhay para sa lahat ng mga Pilipino.”

Samantala, nanawagan si Go sa mga ahensiyang magpapatupad ng mga proyekto at programa na tiyaking magagamit nang maayos ang pondo ng taumbayan at walang masasayang kahit na piso mula sa kaban ng bayan.



“Ang panawagan ko naman sa mga ahensyang magpapatupad nito, siguraduhin nating nagagamit ng maayos ang pondo ng taumbayan. Dapat walang masayang ni piso sa kaban ng bayan at dapat maramdaman ng mga mamamayan natin ang mga programa, proyekto at serbisyo ng gobyerno,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)