Advertisers

Advertisers

Ginang na HVI huli sa P.7m shabu

0 11

Advertisers

NASA mahigit P700,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang ginang na tulak ng droga bilang High Value Individual (HVI) nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas “Negra”, 44, (listed/pusher) ng Brgy. Longos ng lungsod.



Ayon kay Col. Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pamamayagpag na umano sa pagtutulak ng droga ng suspek na kabilang sa kanilang talaan ng mga drug personalities.

Nang magawang makipagtransaksyon kay alyas Negra ng isa sa tauhan ni Col.Baybayan na nagpanggap na buyer, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-9:25 ng gabi sa P. Aquino Avenue corner Kadima Compd., Brgy. Tonsuya.

Nasamsam sa suspek ang humigi’t kumulang 105.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P716,040.00 at buy bust money.

Sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">