Advertisers

Advertisers

Roque ‘utak’ ng polvoron video ni PBBM – vlogger

0 19

Advertisers

INILAHAD ng vlogger na si Pebbles Cunanan sa isang sworn affidavit, na si dating presidential spokesperson Harry Roque umano ang mastermind sa likod ng nag-viral na “polvoron video” na in-edit para pagmukhaing gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Cunanan, nagkaroon ng private dinner ang ilang pro-Duterte vloggers at personalities matapos ang Maisug rally sa Hong Kong noong July 2024.

Sa naturang pagtitipon, sinabi umano ni Roque na nakatanggap siya ng isang screenshot kung saan makikita umanong guma-gamit ang Pangulo ng cocaine.



“Ayon sa aking rekoleksyon, mayroon pa ngang naging usapan na isang foreign influencer o vlogger ang dapat mag-post o panggalingan ng video para magmukhang mas kapani-paniwala at upang maiwasan ang anumang posibleng pananagutan mula sa gobyerno ng ating bansa,” saad sa sinumpaang salaysay.

Sinabi rin ni Cunanan na naaalala niyang binanggit ni Roque ang katagang “Magaling ako magpabagsak ng gobyerno.”

Ipinunto rin niyang ipinakita ni Roque ang video sa publiko sa unang pagkakataon sa isang rally sa Vancouver, Canada.

“Si Atty. Harry Roque ang orihinal na pinagmulan ng polvoron video at ang siyang nagpakalat nito sa publiko upang sirain ang kredibilidad ng pangulo,” sabi niya.

Wala pang pahayag si Roque sa akusasyon ni Cunanan. (Mula sa News5)