Advertisers
Arestado ang 51-anyos na lalaking guro sa drug raid nang makuha ng mahigit P1.2 milyong halaga ng shabu sa kanyang tahanan sa Barangay Pantal, Dagupan City.
Nagsilbi ang pulisya ng search warrant at nakuha ang humigit-kumulang 200 gramo ng shabu kasama ang isang sachet ng pinatuyong marijuana at ilang piraso ng drug paraphernalia.
“Nag-implement tayo sa dalawang bahay ni alias Maestro. So luckily, doon sa old house nila, nakakuha tayo ng 159 sachet ng pinaniniwalaang shabu worth ₱1.271 million at isang sachet ng marijuana, 2.90 grams, at drug paraphernalia,” wika ni PMAJ Apollo Calimlim, Deputy Chief of the Dagupan City Police Station.
Ayon kay Calimlim, na matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad ang suspek, na tinawag na high-value target sa kanilang kampanya laban sa droga.
“Actually, nakakatanggap na tayo ng information dito sa teacher na ‘to kaya nag-conduct tayo ng surveillance at mga confidential informant… nag-resulta ito sa positive na operasyon,” dagdag ni Calimlim.
Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Dagupan City Police ang suspek na taga-Barangay Pantal, ng nasabing lungsod.
Nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang suspek.