Advertisers

Advertisers

2 inarmalite-patay sa Maguindanao

0 218

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang dalawang sibilyan sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Abubakar Mohammad, 27, may asawa, ng Barangay Balut Sultan Mastura, Maguindanao; at Alkhaer Pusdan, 23, binata at nakatira sa Zenaida Subdivision, Barangay Rosary Height 8, Cotabato City.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Donald Madamba, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo nang tambangan ng mga armadong kalalakihan gamit ang M16 Armalite rifles.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Cotabato City sakay ng kulay itim na Toyota Wigo.
Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Personal na alitan ang natatanaw na motibo sa pananambang.