Advertisers
NASAWI ang dalawa katao kabilang ang limang taon gulang batang babae at sugatan ang 16 iba pa sa aksidente sa North Cotabato nitong araw ng kapaskuhan.
Ayon sa ulat, nawalan ng preno ang Isuzu jitney na sinasakyan ng mga biktima.
Kasama sa nasawi ang limang taon gulang na si Ilana Joyce Noble at Ellen Mae Bejarin, 22.
Si Noble ay anak ni Robinson Noble na driver ng sasak-yan na nawalan ng preno.
Ayon sa amang Noble, nawalan siya ng control sa steering wheel nang mawalan ng preno ang sasakyan.
Kung mapatutunayang may kapabayaan ay maaring kasuhan si Noble ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries.
Sakay ni Noble ang 20 katao nang maaksidente ito sa Barangay Guiling, Alamada.
Karamihan sa mga biktima ay kamag-anak ni Noble.