Advertisers
UMARANGKADA na ang taunang Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sinimulan ang pagbubukas ng pagsasanay sa isang seremonya sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Pinangunahan ito nina AFP Chief of Staff gen. Romeo Brawner Jr., kasama si DFA Sec. Enrique Manalo at US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson.
Nakasentro ang Balikatan exercise o “Shoulder to shoulder” Drills, sa pagpapaigting ng kakayahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano, kung saan tampok sa kauna-unahang pagkakataon ang isang full-battle test.
Nasa 14,000 mga sundalo ang sasabak sa nasabing pagsasanay. (Mark Obleada)