Advertisers

Advertisers

Vlogger nagkalat ng fake news kinasuhan ng NBI

0 11

Advertisers

Nagsampa ng reklamo sa Department of Justice nitong Martes, Abril 22 ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa apat na vlogger kaugnay ng pagmanipula umano ng mga interview ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Senior Agent Raymond Macorol ng Criminal Intelligence Division, nagkakalat ang mga nasabing vlogger ng mga minanipulang video kung saan ang mga video at mga interview sa mga government official ay ini-splice at pinapalitan umano ng ibang konteksto.



Aniya, kabilang sa minanipula ng mga vlogger ang video ni NBI Director Jaime Santiago kung saan sinabi nitong magsasampa ng reklamo ang mga awtoridad laban sa mga OFW na nagpapakalat ng fake news.

Pakay ng mga suspek na hikayatin ang mga OFW na huwag magpadala ng remittances.

“In-splice po nila ang video na ito. Pinalitan nila ng ibang konteksto at mga caption kung saan nilagay nila, OFW aarestuhin daw. Pinapakalat nila na huwag na magpadala ng mga remittances para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ating bansa,” ani Macorol.

Hindi pinangalanan ang apat na nireklamo pero tukoy ng NBI ang mga lokasyon nito.

Ang isa ay mula sa United Kingdom habang ang tatlo ay nasa Saudi Arabia, Canada at New Zealand.
Kabilang sa mga reklamong inihain ng NBI ay Unlawful Use of Publication at mga paglabag sa Anti-Alias Law at Inciting to Sedition.