Advertisers
NALILIGO sa sariling mga dugo at nakahandusay ang pitong katao na pawang mga nagtatrabaho sa J&B Malunggay Bakery nang matagpuan ng mga otoridad ng Antipolo Component City Police Station nitong Martes ng umaga, (Abril 22, 2025) na pinaslang ng salarin na isa sa may-ari ng nasabing panaderya sa Purok 1, Zone 8. Cupang, Antipolo City, Rizal.
Kinilala ang salarin na si alyas “Robert”, nasa hustong gulang, at pansamantalang residente sa kaparehong lugar.
Base sa salaysay ng sumukong salarin nagawa niyang umanong paslangin ang kanyang pitong kasamahan gamit ang isang balisong at kutsilyo na pinagsasaksak niya ang mga biktima nang patayin niya ang ilaw sa loob ng kanilang bakery.
Ayon pa sa salarin, bago pa mangyari ang malagim na krimen narinig niyang nag-uusap ang mga biktima at nagkasundo na patayin siya sa pamamagitan ng pagtatakip ng unan habang natutulog at palalabasin na namatay sa bangungot para umano masolo ng isa sa mga biktima ang kanilang negosyo kaya’t inunahan na niyang paslangin ang mga ito.
Matapos ang ginawang krimen, agad na sumuko ang salarin sa mga otoridad at inamin ang ginawang pamamaslang sa harap ng media ngayon, nakakulong na sa Antipolo City Holding and Detention Facility at mahaharap sa kasong Multiple Murder na walang kaukulang piyansa..(Koi Laura/ Edwin Moreno/Mark Obleada)