Advertisers

Advertisers

SARA TIWALANG MAIPAPANALO ANG IMPEACHMENT

0 17

Advertisers

KUMPIYANSA si Vice President Sara Duterte na maipapanalo nito ang kanyang impeachment trial sa Senado na nakatak-dang magsimula sa Hulyo ng taong kasalukuyan.

Sa isang panayam ay sinabi ni VP Sara na kaagad siyang nakipagpulong sa kanyang mga abogado pagdating nito ng bansa mula sa The Hague, Netherlands.

Matatandaang nanatili ang Bise Presidente sa naturang bansa ng halos isang buwan para tumulong sa pagbuo ng defense team ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.



Pahayag ni VP Sara, naniniwala rin ang kanyang legal team na malaki ang tsansa na maipanalo nila ang kaso.

Sa kabila nito ay tumanggi ang bise na ibahagi ang kanilang ginagawang preparasyon sa nakatakdang impeachment trial sa Hulyo.

Una nang na-impeach si VP Sara sa Kamara.

Samantala, kabilang sa mga naging batayan ng impeachment ay ang umano’y maling paggamit ng pondo ng gobyerno at iba pang mga paglabag.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">