Advertisers

Advertisers

Pangasinan mayor, vice at municipal acc’t kinasuhan ng katiwalian

0 52

Advertisers

NAHAHARAP sa patung-patong na kaso sa tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal at Municipal accountant Kenaz Bautista nang ireklamo ni Ricardo Bachar Luciano, Jr.. na isang tax payer ng munisipyo.

Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ang Malversation of Public Funds sa pamamagitan ng misappropriation with consent at kapabayaan, technical malversation, paglabag sa local government code at mga may kaugnayan sa tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Pilipinas, paglabag sa procurement law at paglabag sa code of ethical conduct of the public officers.

Batay sa nilalaman ng reklamo at mga ebidensyang isinumite ni Luciano sa Ombudsman nabigo ang mga respondents na pansinin ang rekomendasyon ng Commission on Audit sa loob ng 2020 hanggang 2023 na papanagutin ang taong nabigong ideposito ang kaban ng bayan sa bangko at lustayin ito ng ganon-ganoon na lamang.



Na kung saan sinabi ni Luciano na ang kawalang umano ng aksyon ng tatlo nagresulta ng maraming nawalang pera sa kaban ng bayan.

Tinukoy pa ni Luciano na maging ang program para sa konstruksyon ng General Services OFfice (GSO) building at warehouse na mayroong kontratang P1,998,030. 87 pesos hindi man lamang napapakibangan sa loob ng mahigit isang taon na.

Hindi kasi kumbinsido si Luciano na hindi alam ng tatlong inaakusahan niya ang ginagawang hakbangin ni Municipal Officer in Charge Treasurer Alex Carpio ukol sa kaban ng bayan gayong bahagi ito ng kanilang command responsibility.

Lumalabas din sa hawak na dokumento ni Luciano na umaabot sa kulang-kulang 19 na milyong piso ang pagkakaroon ng several disallowances at audit suspensions ng hindi pa din maipaliwanag hanggang kasalukuyan mula sa taong 2020 hanggang 2023.

Batay pa sa mga hawak na ebidensya ni Luciano lumalabas na nagkaroon ng hindi umano pagdedeposito ng kaban ng bayan sa bangko, shortage at oversatements ng mga proyekto at pondo ng mga opisyal.



Tinukoy pa ni Luciano na noong taong 2020 hindi din umano naipamahagi ang parte ng mga Barangay ukol sa Real Property Tax (RPT) na umabot sa P4,161,904.26.

Ipinagtataka din ni Luciano na kung papaanong nangyari na ang kwenta sa mga business taxes ng munisipyo ng Mangatarem mas mababa pa umano sa actual gross receipts na hindi akma sa Local Revenue Code ng mga LGU na nagresulta sa under assessment at under collection ng business taxes na umabot sa P233,825.28.