Advertisers

Advertisers

Isko muling inilampaso si Lacuna, Versoza

0 17

Advertisers

Muling nagpakita ng lakas sa mga botante ng Maynila si dating   ManilaMayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pinakahuling survey ng OCTA Research nitong nakaraang linggo, April 20-23.

Sa tinanong na 710,980 voters sa anim (6) na distrito ng Maynila, nakakuha si Yorme Isko (AKSYON) ng tumataginting na 63%!



Maliit na 18% lamang ang nakuha ni incumbent Mayor Honey Lacuna (ASENSO) sa 205,964 na botante ng Maynila na tinanong ng OCTA.

Mas maliit na 16% lamang sa 186,381 voters ang nakabig ni Sam Versona (IND) na sa laki ng agwat ni Isko, mahihirapan itong makahabol, at maaaring makadikit nang bahagya kay Lacuna.

Ang huling resulta na ito ng OCTA ay tumutugma sa survey rin nito noong Marso 2-6, na kumubra si Yorme ng 67% at magkasunod lamang sina Versoza –16%, at si Lacuna –15%!

Batay sa resultang ito, lumalabas na hindi natitinag ang popularidad ng dating alkalde, ayon sa OCTA.

Sa voting preference sa anim (6) na distrito, ito ang ipinakikita na malakas na suporta kay Isko Moreno:



Mataas na 60% ang pabor kay Isko sa District 1 at sa Dist. 2 — 71%; Dist. 3 –49%;  Dist. 4 –45%; Dist. 5 81%; at Dist. 6 –65%.

Sa panig ni Mayora Lacuna, maliit na porsiyento lamang ang nakuha nito:  Dist. 1– 11%; Dist. 2 –17%; Dost. 3 –32%; Dist. 4 –28%; Dist. 5 –10%; at Dist.6 — 18%!

Ayon sa OCTA, kung ngayong linggo nga gaganapin ang eleksiyon para alkalde ng Maynila, mangingibabaw si Yorme Isko, tulad ng naunang survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, Tangere at iba pang survey sa bansa. (BP)