Advertisers

Advertisers

11-anyos ni-rape slay ng ka-live in ng tiyahin

0 8

Advertisers

Brutal ang sinapit ng isang batang babae nang gilitan sa leeg nang halayin ng mismong live-in partner ng kanilang tiyahin sa Brgy. Matilo, Nabunturan, Davao de Oro, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na kinilalang si Angel Ramirez, 11-anyos natagpuang patay na nakabalot ng duguang kumot nitong Lunes sa loob ng kanyang kuwarto.



Sa inisyal na ulat ng Davao de Oro Police, ginilitan sa leeg ang biktimana may mga galos at sugat sa katawan habang duguan din ang kama, dingding at sahig sa crime scene nang abutan ng mga awtoridad.

In naman ng mga awtoridad ang salarin na naaresto lamang sa pangalang “Error, 27-anyos at live-in partner ng tiyahin ng dalagita.

Ayon sa pulisya ang bangkay ng dalagita, nadiskubre ng isang miyembro ng kanilang pamilya ng pumasok ito sa silid ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, malakas ang indikasyon na inatake ang biktima sa loob ng kanyang silid at inabusong sekswal dahil duguan ang ari nito.

Agad na naglunsad ng trans hot pursuit operation ang mga awtoridad at nasakote ang salarin 12:20 ng madaling araw sa residente ng mga manggagawa sa nasabing bayan.