Advertisers

Advertisers

13 na patay sa 35 election-related incidents

0 7

Advertisers

Umakyat na sa 35 ang naitalang election-related incidents, kabilang dito ang 13 nasawi bago ang gaganaping May 2025 midterm election, ayon sa Philippine National Police (PNP)..



Sa datos ng PNP, mula Enero 12 hanggang Abril 28, , naitala ang pinakamaraming bilang ng election related violence sa Cordillera at Bangsamoro regions na may 11 at 8 kaso, sinundan ito ng Calabarzon na may limang insidente.

Habang may tatlo naman sa Zamboanga Peninsula, dalawa sa Western Visayas at dalawa rin sa Davao regions, habang tig- isa sa Ilocos, Central Luzon, Eastern Visayas, at Soccsksargen.

Umabot naman sa 2,800 firearms ang nasamsam ng mga otoridad habang nasa 2,710 katao ang nadakip dahil sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Election (Comelec).

Nabawasan naman ang bilang ng areas of concern sa 34 mula sa 36 matapos ilagay sa kontrol ng Comelec ang mga bayan ng
Datu Sinsuat at Buluan sa Maguindanao del Sur dahil sa pagtaas ng karahasan.