Advertisers

Advertisers

Anak ni Anson Que ‘utak’ sa pagpatay sa ama

0 12

Advertisers

Idinawit ng isa sa mga salarin sa krimen ang anak ni Anson Que, si Alvin Que o Ronxian Gou, sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama at sa driver nito.



Base sa ulat, kabilang si Alvin sa anim na taong inirekomenda ng PNP Anti-Kidnapping Group para sa preliminary investigation sa DOJ.

Lumabas sa imbestigasyon na si Alvin ang naging tagapagsalita ng pamilya sa negosasyon at siya rin umano ang nagbayad ng ransom na P10 milyon noong Marso 31 at karagdagang P3 milyon noong Abril 2 sa pamamagitan ng cryptocurrency.

Noong Abril 9, natagpuan ang mga bangkay ni Que at ng kanyang driver sa Rodriguez, Rizal.

Unang iniulat na umabot sa P100 milyon ang kabuuang ransom na ibinayad, ngunit pinaslang pa rin ang mga biktima.